Ano po ba talaga ang gusto ninyong mangyari? Ano po ba ang goal ninyo? Gusto niyo po bang masira ang career ng dalawang bata? Na wala pong titigil hangga't walang tuluyang nasisira sa kanilang dalawa? At kapag nangyari na iyon, magiging masaya na po ba kayo?
Gusto niyo po bang magsalita sila at magbigay ng paliwanag, only for you to pick apart their answers kapag hindi naman naaayon sa gusto ninyong marinig? Kapag hindi pasok sa narrative ninyo ang sasabihin nila, may panibago na naman po kayong masasabi laban sa kanila.
Accountability po ba talaga ang gusto ninyo? Kung oo, para kanino po ba? Para sa kanila, o para sa sarili nating satisfaction bilang fans? Let's not forget that nobody forced us to enter this fandom. We chose to be here.
At aminin din po natin na baka may pagkukulang din tayo bilang fans. Masyado nating tinaasan ang expectations natin sa kanila to the point na gusto nating iayon nila ang bawat kilos at desisyon nila sa kung ano ang tingin nating tama.
They are young individuals who are still learning and growing. Hindi po sila obligadong mamuhay ayon sa expectations natin. We can hold them accountable when necessary without turning every mistake, disagreement, or personal decision into a reason to tear them down.
At kung maaari lang po sana, pakitigilan na rin ang mga puksaan, parinigan, at patutsadahan. Nakikiusap po ako. Nakakapagod na rin pong makita na araw-araw na lang may ganitong gulo. Sa huli, ang dalawang bata pa rin ang naaapektuhan. Hindi ba pwedeng piliin na lang natin ang katahimikan at respeto?
At the end of the day, fans lang po tayo. We can choose to stay, support, disagree, or leave. But we should never feel entitled to control their lives.
Please, let Chog and Deng have their peace. Parang awa niyo na po.
Juyo retweeted
Literal hypocrites. Make sure your actions align with the things you preach because, at this point, you all look like freaking clowns.




