ML Partylist retweeted
Lighted candles, flowers, and prayers for our dearly departed this All Souls' Day. ๐ฏ๐๐ผ
May we continue to honor our departed loved ones through our prayers and entrust their souls to Godโs loving mercy.
Patuloy nating dalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga pumanaw, gayundin ang lakas at katatagan ng mga naulila, lalo na ng mga kababayan nating matagal nang naghahangad ng hustisya sa di-makatarungang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Isang mataimtim at payapang paggunita sa ating lahat. Ingat po sa biyahe!
ML Partylist retweeted
Made the rounds at our family mausoleum. Paying respects to my dear father and other dearly departed members of the de Lima clan: my lolo, lola, aunts, uncles and cousins. I miss them all. May they all remain in the loving embrace of our Heavenly Father.
A solemn All Saints' Day and All Souls' Day to you all. ๐ฏ๐๐ผ
ML Partylist retweeted
Absolutely disturbing and despicable!
Napakawalanghiya ng ginawa sa 29 furbabies na natagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.
How could they have committed such an evil act against innocent souls and the families who are grieving the loss of their loved ones? HINDI SILA MGA BASURA NA ITATAPON LANG!
Hindi nila alam, hindi nila nauunawaan ang hinagpis ng mawalan ng alagang hayop na itinuring na kapamilya. Dapat lang matukoy at mapanagot ang lahat ng nasa likod ng kademonyohang ito, at ang iba pang mga posibleng gumagawa ng ganitong krimen.
This kind of violence should never be tolerated. It will not be the last unless we implement comprehensive and stricter laws to promote and protect animal rights and welfare.
Nananawagan tayo sa ating mga kapwa mambabatas: Gawin din nating prayoridad ang pagsasabatas ng panukala nating Animal Welfare Enforcement Act at Revised Animal Welfare Act para matigil ang karahasan at higit na maipaunawa ang nararapat at makataong pagtrato sa mga hayop.
Justice for the 29 furbabies! Justice for their families!
STOP ANIMAL CRUELTY!
Remains of 26 dogs, 3 cats found in plastic bags dumped along Bulacan roadside
Read: gmanetwork.com/news/topstoriโฆ
ML Partylist retweeted
Isang ligtas, payapa at makahulugang Undas sa ating lahat.๐ฏ
Kasabay ng paggunita natin sa lahat ng mga Santo at sa ating mga yumao, ang Undas ay paalala rin sa halaga ng buhay at pananampalataya, sa pagbubuklod ng pamilya, at mga aral sa bawat kuwento ng pagpanaw.
Sa pamamagitan ng tradisyong ito, napananatiling buhay ang alaala at mga aral na iniwan ng mga banal at ng mga pumanaw na patuloy nating nagsisilbing gabay.
Have a Blessed Sunday and a meaningful All Saints' Day! ๐๐ผ
ML Partylist retweeted
Congratulations on the successful inaugural session of the first Bangsamoro Parliament and the election of its first Chief Minister, along with all the officers of the regular Bangsamoro Government.
Sa harap ng maraming hamon, hangad natin ang matagumpay na pamumuno at makabuluhang paglilingkod ng Bangsamoro Government tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
๐ท Bangsamoro Government Facebook Page | Settie Jehana Baunto/Morsid Kadir/Hamdan Badrudin/Faisal Camsa Jr.| BIO
ML Partylist retweeted
Pag-alala. Paghilom. Hustisya ๐๐ผโ๏ธ
Patuloy tayong nakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima ng pekeng War on Drugs, sa paggunita ng โUndas ng Kaluluwa at Paghilomโ sa pangunguna ng Program Paghilom at ni Fr. Flavie Villanueva, SVD.
Sa panahon na humihingi ng due process ang mga nagkait nito sa libo-libong Pilipino, kasama nating naninindigan ang mga naulilang pamilya para manaig ang katotohanan at pananagutan.ย
Naniniwala tayo: Makakamit lamang ang tunay na paghilom kapag may hustisya at napanagot ang lahat ng nasa likod ng mga karumal-dumal na pamamaslang.
๐ธ Niรฑo Jesus Orbeta, @inquirerdotnet; Maria Tan, @ABSCBNNews
ML Partylist retweeted
A gentle reminder for a safe and peaceful Undas 2026 ๐๐ผ๐ฏ
Bukod sa pagdadala ng kandila at bulaklak at pag-aalay ng panalangin para sa mga pumanaw nating mahal sa buhay, huwag kalimutan ang maiging paghahanda, disiplina at ibayong pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat.ย
Narito ang ilang paalala para sa ligtas at mapayapang Undas.
Magbaon po ng mahabang pasensya. Asahan ang maraming tao sa sementeryo at mabigat na trapiko.
Ingat po tayong lahat!
ML Partylist retweeted
On International Day of Political Prisoners, we stand in solidarity with all political prisoners around the world who remain unjustly detained for their beliefs, political convictions, and courage to speak out and fight for our fundamental rights.
Having gone through the same ordeal of unjust imprisonment, this cause is deeply personal to me. Together with our allies here and abroad, we continue to stand united for human rights and dignity, and pursue justice and freedom for all political prisoners.
FREE ALL POLITICAL PRISONERS! โ
ML Partylist retweeted
In celebrating National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (ADHD) Awareness Week and ADHD Awareness Month this October, let's continue to promoteย awareness and understanding, erase the stigma, address myths and misconceptions, and create more spaces for open and meaningful conversations about ADHD.
In the House of Representatives, we have filed several legislative measures to advance the rights and well-being of individuals with ADHD, autism, and other developmental conditions, including House Bill 6577 or the โAutism Care Act",ย which seeks to establish a National Comprehensive Program for Autism, and HB 8828, which aims to ensure the proper diagnosis and recognition of Autism Spectrum Disorderย (ASD), ADHD, and Down syndrome (DS) in the Philippine Registry for Persons with Disabilities (PRPWD).
To every beautiful people with ADHD, weโre here to embrace and accept you for who you are. Happy ADHD Awareness Month! ๐งกโจ
ML Partylist retweeted
Happy UN Day! ๐บ๐ณ
Ipinapakita ng United Nations na posible ang pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba, para maisulong ang kapayapaan, paggalang sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad.
Despite coming from different places, backgrounds, cultures, and beliefs, our shared humanity brings us together.
Instead of resorting to violence, intimidation and discrimination, letโs continue doing our part to promote genuine peace and work toward a better future for the next generations.
#UnitedNationsDay
ML Partylist retweeted
Naninindigan para sa pananagutan. Para sa bayan. ๐ต๐ญโ๏ธ
๐ธ Joseph Vidal | Senate Social Media Unit
ML Partylist retweeted
Tahasan nating kinokondena ang pamamaslang sa radio broadcaster na si Adrian "Golden Boy" Loterteย sa Daraga, Albay, na kilala sa matatapang na komentaryo ukol sa politika at ilegal na mga gawain.
Nangyari ito wala pang isang taon mula nang paslangin ang isa pang mamamahayag na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay. 2018 nang karumal-dumal ding pinatay si Joey Llana, isa ring radio broadcaster sa Daraga, Albay. Nadadagdagan ang mga biktima pero walang napapanagot!
llan lamang sila sa marami pang biktima ng karahasan laban sa media. These brutal crimes are very alarming, as journalists and media personnel are being killed as if these acts were normal. Some victims were even slain in their own homes or communities in broad daylight. Wala na silang kinatatakutan.
Nananawagan tayo sa mabilis at patas na imbestigasyon sa krimen na ito na walang pagtatakpan at poprotektahan. Hinihikayat din po natin ang ating mga kababayan na kung may nalalaman sila na makatutulong sa pagtukoy sa mga salarin ay agarang makipagtulungan sa mga awtoridad.
Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.: Hindi katanggap-tanggap na nagpapatuloy ang mga patayan sa ilalim ng iyong liderato. Hindi matitigil ang mga pamamaslang na ito kung hindi ipapakita ng iyong administrasyon ang seryosong pagtugis at pagpapanagot sa mga salarin.
Ang pagpatay sa mga mamamahayag ay hindi lang pagpapatahimik sa mga kawani ng media, kundi pananakot din sa marami pang naghahangad na lumabas ang katotohanan. Malinaw na pagsupil ito sa ating demokrasya.
The killings of journalists must stop. Press freedom must be defended, not silenced. Human rights must be upheld and protected. Justice must be served. ###
Albay broadcaster shot; police hunt gunmen trib.al/r6EnSoj
ML Partylist retweeted
๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ผ
Praying for the speedy and complete recovery of His Holiness Pope Leo XIV following the news of his lung cancer diagnosis.
May the Lord guide his medical team with wisdom and skill, and bless the Holy Father with strength, peace, comfort, and healing throughout his recovery. ๐๐ผ
๐ท Philippine Star | Reuters
ML Partylist retweeted
Seryoso ang banta ng Super El Niรฑo pero malaki ang kinaltas sa NDRRM fund? Dapat tiyakin ng gobyerno ang sapat na suporta sa lahat, lalo na para sa mga magsasaka at mangingisda.
ML Partylist retweeted
Bumoto tayo ng NO sa 2027 General Appropriations Bill (GAB).
This budget has only P1.15 trillion in real fiscal space, and after amendments, P541.5 billion, or nearly half of it, went to pork.
Paano aayusin ang kalidad ng serbisyo kung kinakain na ng patronage ang pondo? Kapag palakasan ang basehan, ang pondo ay nagiging kasangkapan sa politika, hindi sa pag-unlad.
Naninindigan din tayo na walang puwang ang unprogrammed appropriations (UA) sa Pambansang Budget!
We cannot afford irresponsible fiscal choices, kung saan kinakaltasan ang pondo sa mahahalagang programa para gamitin sa politika o pansariling interes.ย
Ang budget na ito ay hindi people-centered. Ito ay election-centered. Tutol tayo dito.
ML Partylist retweeted
๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ โ๏ธ
Natapos ang testimonya ng witness ng Prosecution na si Atty. Alexander Cabrera, isang financial forensic expert. Hindi na kinailangang mag-redirect ng Prosecution, kaya dumiretso na sa interjection ng mga Senator-judges.
๐ Ayon kay Senator-judge Joel Villanueva, si Cabrera ang maituturing na pinakamahalagang testigo ng Prosekusyon sa Article on Unexplained Wealth.
๐ Ayon sa expert witness, marami umanong "wala sa tamang hulog" o di pangkaraniwan sa financial statement ng Cale88, isang kumpanya na kabilang sa business interests ng asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio. Punto ni Atty. Cabrera, wala umanong receivables, payables, inventory ng raw materials o work in process itong Cale88 kahit daang milyon ang pumapasok na pera sa kompanya. Kung ganito umano ang nangyayari, hindi sa operasyon ng negosyo ang pinanggagalingan ng pera.
๐ Naniniwala si Atty. Cabrera na hindi pa rin naibebenta ang Cale88 sa Pikimong Pikimong Corporation dahil wala itong record ng transfer o sale of shares. Para sa witness, nagmamay-ari pa rin nito si Carpio.
๐ Sa interjection ni Senator-judge Raffy Tulfo, inilarawan ni Atty. Cabrera ang galaw ng pera sa Cale 88 bilang โrevolving doorโ, dahil sa โpagpasok ng pera, lumalabas dinโ. Itinuturing niya itong sintomas o yung tipikal na nangyayari sa money laundering.
๐ Naniniwala rin si Atty. Cabrera na ang halagang P96 million na kino-convert sa managerโs check na nag-โtiniklingโ o yung naglaho-lumitaw na halaga sa BPI joint account ng mag-amang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sara Duterte ay dapat pa ring idineklara sa SALN ng Bise Presidente.
๐ Sa tanong ni Senator-judge Risa Hontiveros kung kailan masasabing may unexplained wealth o di-maipaliwanag na yaman ang isang tao, ipinaliwanag ni Atty. Cabrera na ang sagot dito ng batas ay kung ang yaman ay โmanifestly disproportionate." Kung malaki masyado ang halagang hindi deklarado at ang di pagdedeklara ay taon-taon ginagawa, wala na umanong usapan pa sa intent, kundi โhalatang-halata na.โ
๐ Sa pagtatanong naman ni Presiding Officer Chiz Escudero kung magkano ang aabuting maximum estimate of the unexplained wealth ni VP Sara mula 2022-2025 kung hindi siya magiging conservative sa kanyang computation, pwede umanong umabot sa P1.5 billion ang hindi naideklarang yaman ng Bise Presidente.
๐ท One PH, Senate Live, & DZMM
ML Partylist retweeted
Huwag ilihis ang issue. Ang talagang nakakabahala ay pagkakaroon ng Pangalawang Pangulo, na nag-aambisyon maging Pangulo, na todo tahimik sa panghaharass ng China sa ating mga mangingisda at pangangamkam nito sa ating teritoryo. Nakakabahala ang nabunyag na nakatanggap ang kompanyang konektado sa Pangalawang Pangulo at sa kanyang asawa ng P319 milyong piso mula sa ilang state-owned enterprises ng China. Nakakabahala ang halos isang bilyong piso niyang unexplained wealth. โ at Quezon City, National Capital Region
โBAWAL BA TALAGA MAGNEGOSYO WITH CHINA?โ
Vice President Sara Duterte on Monday, October 12, accuses the prosecution of shifting its narrative to China, claiming its case was already weakening and that prosecutors were inventing evidence.
โBawal ba talaga magnegosyo with China?โ Duterte says, arguing that the issue risks making the Philippines a โtroublemaker of Southeast Asia.โ
ML Partylist retweeted
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐ฏ๐ณ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ฃ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ
๐ Natapos ang cross-examination, redirect examination at recross examination sa Prosecution witness na si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez na nagbigay ng salaysay tungkol sa tax records nina VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio.
๐ Sa interjection ni Senator-judge Kiko Pangilinan, pinuna niya ang hindi nagtutugmang year-end bank balances ng GenCorp Industries Inc. โ isa sa mga business interest ni VP Sara โ sa cash na idineklara sa Audited Financial Statement nito.
๐ Ayon kay Senator-judge Risa Hontiveros, base sa naging pagsusuri ng kanyang tanggapan, lumalabas na posibleng sangkot sa money laundering ang isang kumpanya sa Ukraine na nagpadala ng pera sa Cale88 Foods Corporation. Ang Cale88 ay isa sa mga business interest ni Carpio.
๐ Ayon kay Atty. Garcia-Marquez, pwedeng si Carpio pa rin ang may-ari ng Cale88 dahil walang electronic certificate authorizing registration (eCAR) na nagpapatunay sa transfer of shares nito sa Pikimong Pikimong Corporation.
๐ Pagkatapos ni Atty. Garcia-Marquez, iniharap naman ng Prosecution ang expert witness na si Atty. Alexander Cabrera, isang financial forensic analyst.
๐ Ang mga sumusunod ang naging konklusyon ni Cabrera base sa kanyang pagsusuri sa mga nakalap na dokumento, kabilang ang SALN, bank records at tax records nina VP Sara, Carpio at kanilang business interests:
- Hindi makatotohanan ang mga SALN ni VP Sara sa mga taong 2022, 2023, 2024, at 2025 kung saan malaking halaga ng assets ng mag-asawa ang hindi idineklara.
- Sa panunungkulan bilang Bise Presidente, nag-participate pa rin si VP Sara sa ibaโt ibang negosyo, either as an individual, stockholder o direktor ng korporasyon.
- Umabot sa P817.87 million ang unexplained wealth ni VP Sara.
- Ang mga nasuring paglabag mula 2022 hanggang 2025, ay nakitaan ng pattern ng "constitutional violations" taon-taon.
- Bukod sa Konstitusyon, maaari ring nalabag ni VP Sara ang ibang mga batas gaya ng National Internal Revenue Code, Republic Act 1379, RA 6713, RA 3019, RA 12009, SRC Rules at COA Rules.
๐ท Philippine Star, Inquirer.net, & House of Representatives
ML Partylist retweeted
Ayon sa isang financial forensic expert, P817.87 million ang undeclared wealth ni VP Sara. Deserve ng taumbayan ang katotohanan at pananagutan sa halos P1 bilyong yaman na ito.
ML Partylist retweeted
Highlights sa Day 36 ng Paglilitis kay VP Sara
๐ Isinalang ng Prosecution bilang witness si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez para magbigay ng testimonya ukol sa mga tax records ni VP Sara, asawang si Atty. Manases Carpio, at kanilang business interests.
๐ Ayon sa testimonya ni Atty. Garcia-Marquez, ang pinagsamang kita ni VP Sara at ng kanyang asawa matapos kaltasan ng tax ay umabot sa P85.34 million mula 2007 hanggang 2025. Hindi ito tumutugma sa idineklarang yaman ni VP Sara sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na may deklaradong yaman na mahigit P98 million.
๐ Lumabas sa Audited Financial Statements na mayroong cash on hand at cash in bank si VP Sara sa mga sumusunod na taon:
Dec. 31, 2022 - P21,234,980
Dec. 31, 2023 - P28,971,725
Dec. 31, 2024 - P15,525,209
Dec. 31, 2025 - P13,804,540
Matatandaan na mula 2019 hanggang 2025, walang idineklarang cash on hand at cash in bank sa SALN si VP Sara.
๐ Ayon sa witness, nagdeklara si Sara Duterte ng income mula sa โsales, revenues, receipts, and feesโ mula sa kanyang โlegal activitiesโ kahit siya ay Mayor na ng Davao City. Nakatanggap din umano si VP Sara ng compensation income mula sa Davao City LGU noong 2023 kahit nanunungkulan na bilang Bise Presidente.
Ayon sa Local Government Code, ang mga gobernador at alkalde ay hindi puwedeng magkaroon ng ibang trabaho sa panahon ng kanilang termino bilang local chief executives. Nakasaad din sa Konstitusyon na ipinagbabawal sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, at mga miyembro ng Gabinete ang pagkakaroon ng ibang trabaho.
๐ Sinabi rin ni Atty. Garcia-Marquez na walang record ng anumang transfer or sale of shares ang CALE88 Foods Corporation na isa sa mga business interest ni Atty. Manases Carpio, at sinasabing nakatanggap ng P319 milyon mula sa ilang state-owned enterprises ng China.
๐ท Wendell Alinea, Joseph Vidal | Senate Social Media Unit








































