Bumagsak ang presyo ng langis sa ikatlong araw ng kalakalan sa world market. Pero, hindi ito sapat para mabura ang malaking isinipa sa presyo sa unang dalawang araw nitong linggo.
Samantala, nilinaw ng mga supermarket owners na maraming basic at prime commodities ang tumaas ang presyo dahil sa iba-ibang "pressure" kabilang na ang pagsadsad ng halaga ng piso at pagsirit ng presyo ng petrolyo.
Sapul sa CCTV ang pagtangay ng tatlong armadong lalaki sa nakaparadang motorsiklo sa Antipolo City. Nagpanggap pang may hinahanap na tao ang mga suspek bago tuluyang magnakaw. #CCTVPatrol
May binabantayang sama ng panahon sa loob at labas ng PAR.
Halos super typhoon naman ang lakas ng bagyong Infa na bibigyan ng local name na #SamuelPH. Wala pa itong epekto sa panahon sa bansa.
Hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA sa loob ng PAR at posibleng malusaw din pagtama sa lupa. #WeatherPatrol
Iniutos ng DOTr ang pagdagdag ng ilang pasilidad sa ilang pantalan bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong #Undas2026.
Samantala, may ilang pasahero na rin ang maagang bumiyahe sa paliparan para makaiwas sa siksikan at sulitin ang long weekend.
