Pinned Tweet
TANGLAW: "Walang Sablay kung walang sinulid"
Nailathala na ang Tanglaw Year 5 Print Edition para sa #Sablay2026. Ito'y isang panawagan sa mga iskolar ng bayan na paglingkuran ang sambayanan at makibaka upang labanan ang tahi-tahing isyu ng lipunan.
NEWS UPDATE: Nahalal si Theanna Joy Valdez, nominado mula sa College of Human Ecology (CHE), bilang bagong chairperson ng 15th University Freshman Council (UFC), Oktubre 26.
Inaasahan sa panibagong termino na mas paiigtingin ng konseho ang pagtuon sa pakikinig ng mga hinaing at pasanin ng mga kapwa freshie, shiftee, at transferee.
📝: Wred Marual
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
TINGNAN: Kasalukuyang gumugulong ang Miting de Avance (MDA) para sa 15th UPLB University Freshman Council (UFC) sa Student Union (SU) Building, Oktubre 26.
...fast talk segment bago salain ang mga nominado para sa itatanghal na Top 3.
Mula sa mga tatlong mapipili, sasailalim muli sila question and answer mula sa mga panelist habang bubuksan din ang bulwagan para naman sa open forum upang tuluyang matukoy ang karapat-dapat na...
...nominado para sa magiging bagong chairperson.
📝📸: Airon Villanueva
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
TINGNAN: Kasalukuyang ikinakasa ang isang iglap-protesta sa Carabao Park ngayong hapon, Oktubre 26, upang kundenahin ang paparating na pagbisita ni United States (US) President Donald Trump sa Pilipinas sa darating na Nobyembre para sa 49th ASEAN Summit.
Kaya naman, idineklara ng hanay na magsasagawa sila ng isang buwan na protesta upang bigyang-diin ang mariing pagkondena sa pagdating ni Trump sa Pilipinas. Inaayayahan din na sumama ang bawat isa sa magaganap na lakbayan sa darating na Nobyembre.
Layunin ng aktibidad na paigtingin ang militante, progresibo, at makabayang diwa ng mga bahagi ng unyon. Tampok sa programa ang iba’t ibang pagtatanghal sa pangunguna ng mga lokal na artista, mag-aaral, at guro.
TINGNAN: Upang ipagdiwang ang ika-25 na anibersaryo ng All UP Academic Employees Union - Los Baños, isang cultural night na may pamagat na “NINGAS: Gabi ng Kultura at Pag-alala” ang isinasagawa ngayong gabi, Oktubre 23, sa Carabao Park.
TINGNAN: Kasalukuyang gumugulong ang isang media forum na pinamagatang "Logta Biag: Kasaysayan, Kwentuhan, at Pakikibaka ng mga Katutubong Molbog" ngayong hapon, Oktubre 23, sa D.L. Umali Hall.
Nagiging banta rin sa kanilang kultura at kabuhayan ang mga itinatayong Enhanced National Greening Program (E-NGP) sites ng Department of Environment and National Resources (DENR), kung saan ginagawang 'public land' ang kanilang sagradong lupa.




















